Tuesday, August 12, 2008

paglalakbay sa mindanao na tahimik

nitong nakaraan, kasalukuyang nagbibilangan sa armm elections sa iba't ibang lugar sa mindanao. sabi ng lahat ng pinakinggan kong usapan, tahimik daw. wala daw gulo maliban sa basilan yata. dahil sa ganun, nawala ang kagustuhan kong mamasyal sa mga lugar ng armm. nagpahangin ako sa davao at nagkape sa cagayan de oro. tapos, pinuntahan ko ang lugar na magulo sa north cotabato. doon ako lumapag sa capitolyo, dis-oras na ng gabi. magulo daw noon sa mindanao. pero sa capitolyo, tahimik maliban sa ilang alingasngas. sa ingay ng mga hayup sa gabi na parang mga awitin sa taynga ko.

tapos may narinig akong mga tao dumating at naguusap-usap. dumungaw ako mula sa aking nilapagan sa bubong ng capitolyo. mukhang matataas na tao yung nakikita ko. puro di bodyguard. bakit sila pupunta sa upisina sa dis-oras ng gabi? ayon sa mga senyales nila sa katawan, upisyal ng north cotabato ang mga tao na ito. nguni't parang may mga senyales akong nakita sa ilang sasakyan na ang may-ari ay taga zamboanga at parang ang isa ay gen san pa! subali't hindi ako nakakasiguro doon sa sasakyan kung tutoong pag-aari nga ng kababayan ni manny pacquiao. ano'ng ginagawa ng taga zamboanga at higit lahat, taga gen san, sa north cotabato? eh... di ko alam. mabuti nang maki-amot na lang ako sa kung anong meron sila sa gabing ito.

bumaba ako sa mga upi-upisina nila sa capitolyo. imbisibol ako. pinagmamasdan ko ang mga taong ito na mukhang di naman gaanong pagod. napansin ko ang mga bote at lata ng pampasigla ng katawan at pampagising ng diwa. parang yung lana ko - ganun din ang bisa.

wala naman silang pinag-uusapan na gulo sa mindanao. subali't ang pinag-uusapan nila ay sila ang gagawa ng gulo dahil walang gulo! aba! naiiba ang ibig mangyari ng mga taong ito! mga lost command daw, bayad na. maggagawa ng pagpapasabog sa mindanao, kahit daw dito sa north cotabato na lugar nila, kunwari may mga bombahan. susmaryopaze! magbuburles sila!

di daw maglalaon, maraming mamamatay. ay talaga! di magtatagal daw, maraming mag-aalsa. bayad na rin daw ang mga taong yun. dalawa ang pangyayarihan ng gulo. sa mindanao, at sa manila. nakupu!

yung isang taong maliit, pakumpas kumpas habang sinasabi: ala naman kaming alitan ni esperon. ako lang nakakaalam diyan. (o para bang ibib niyang ipahiwatig, pabayaan na lang siyang dumiskarte sa away nila ni heneral hermogenes esperon.)

gumawa ako ng ingay na makapansin sa kanila. tumingin ang mga matataas na taong ito sa pinanggalingan ng ingay na gawa ko. kahit nalaman nilang walang kuwenta ang ingay na narinig nila, nakita kong ang laki ng pagkadilat, mulagat na mulagat ang mga mata nila; gumagalaw ang mga daliri ng mga kamay; maputla ang mga labi...

guilty.

puñeta kayo, sabi ko. guilty.

No comments: