Tuesday, August 19, 2008

kahit kailan bobo talaga si erap, lacson, pinsan nene

kung papansinin ninyo, halos magpanabay nagsalita sila erap, lacson at nene pimentel. lahat sila inuudyukan ang taumbayan na magalit, ang mga soldiers natin sa armed forces maglunsad na ng all out war laban sa milf.

noong matagal nang nagdaan na taon 2000, habang namamasyal ako sa lanao, misamis, maguindanao, nadinig ko sa mga tao na si nasirang mrs. monet de villa ay paikot-ikot na parang ipu-ipo sa mindanao. lakad dito, lakad doon, kausap dito, kausap doon. yun pala, mula sa dipolog at kung saan-saan, inaayos ni madam monet ang miting ng kanyang asawa si rene, at ni al haj murad, at ni nasirang salamat hashim.

nalaman ko ang pagmimitingan nila lugar kaya pumunta ako. nag pirmahan ng secret agreement sina de villa at salamat. laking salamat talaga ni devil! kitang kita mo sa mukha niya, parang pusang nakalunok ng malaking daga! tutulong ang milf sa kanyang grupo na ilaglag si erap mula sa malakanyang.

bago ito, maghahasik ng gulo ang milf at pagdedeklarahin ng giyera si erap. nangyari nga ito. kaya lang, sumobra itong erap. sa ilang buwang pinanatili ko sa mindanao dahil giyera dun (wag niyo nang itanong kung bakit kailangan kong mamalagi doon, aba!) kinubkob ni erap lahat ng sagradong lugar ng mga moro. tumangis halos lahat ng mga maguindanao sa ginawa ni erap sa kanila. subali't ang pag-asa na lamang nila ay ang secret agreement nila na pirmado ni devil at mukhang palalagdaan din daw ito kay gloria arroyo.

nakita ko ang mga matatandang maguindanao at kinausap ko ang marami sa kanila, ito ang sabi nila: may masamang pangitain sila sa maaaring mangyari kay estrada. mamamatay ito sa mga malupit na kamay ni al'lah! nakupu! paano, tanong ko. di ko na daw dapat malaman. ay!

ang tingin ko, masama ang pagkubkob ni erap sa sagradong mga lugar ng milf. malaking galit ang nalikha niya. malaking gulo!

tapos, ngayon, sila ni ping lacson (akala mo hindi ko nakikita sa paglalakbay lakbay ko ang pagbabakla bakla at pedopil niya sa gabi ha?) at pimentel na nene pa, na pinsan in law pa ni erap dahil pimentel din si dra. luisa ejercito, ibig ibalik ang all-out war.

bakit all-out war? kasi baka sakaling hindi na mangyari ang sakuna kay erap at mga alipores niya? hindi mangyayari iyon. all-out war upang mabura na ang milf na kinatatakutan ni erap sanhi ng ginawang niyang kabalbalan at katarantaduhan, pagyurak sa sagradong mga lupa ng mga maguindanao muslims.

luko-luko na talaga itong si erap sa dami ng seks, alak at sakit sa katawan. ito namang si ping lacson na maraming beses ko nang natiyempuhan, nasira na rin ang utak sa kababakla, kapepedo sa mga batang lalaki at kapapanggap na lalaking lalaki siya, tulad ni nene. si nene naman, nawarat na ang bungo nito sa kaiisip kung paano niya maibabalik ang suwerti nung kasama pa niya si gob ng bulacan at kinukuha nila ang limpak limpak na european money ng mga christian democrats! paiyak iyak pa itong si nene minsang nasumpungan kong kayakap niya si joe perez na ang lantad na alyas ay joe de venecia, jr. kulang na lang mag lips to lips ang dalawa at hagulgol talaga ng husto si nene, dahil tinatanggap na muli siyang isang christian democrat, previously, isang magnanakaw ng christian democrat funds.

ay erap!

ay nene!

ay lacson ping!

sa ibang planeta na kayo mang-urot! baka lusubin namin kayo, sampu ng mga angkan ko!

all-out war ka diyan! hummpphhh!

bobo!

Monday, August 18, 2008

ang simula ng kapayapaan sa Mindanao

idownload mula sa United States Institute for Peace (USIP):

Letter from Chairman Salamat Hashim to President George W. Bush

20 January 2003

Your Excellency:

In the name of Moro Islamic Liberation Front (MILF), we send our profound and felicitous greetings of peace on behalf of the Bangsamoro People of our historic homeland in Mindanao, Sulu and Palawan.

The Bangsamoro People have always looked upon your country, the United States of America, and its people, with esteem as a great champion of freedom and democracy. The founding fathers of the American Nation as firm believers of “self-evident truths” and “inalienable rights” have become inspirations for the Moro Nation in our quest for the right to self-determination.

Your ambassador to the Philippines, His Excellency Francis J. Ricciardone, who recently addressed the Foreign Correspondents Association of the Philippines, raised the question of the US Government’s desire to know “what they (MILF) want or how it’s (the Problem) going to be resolved.”

We take this opportunity to inform Your Excellency that the MILF is a national liberation organization, with leadership supported by the Bangsamoro People, and with legitimate political goal to pursue the right of the Moro Nation to determine their future and political status. As part of this process, we have an on-going negotiation with the Government of the Republic of the Philippines to arrive at a negotiated political settlement of the Mindanao conflict and the Bangsamoro problem, through the mediation and tender of good offices of the Government of Malaysia.

Your desire to be informed of the MILF goals reminds us of the historic, legal and political relationship between the Moro Nation and the US Federal Government as borne out by documents, treaty relations and instruments. Your official policy, under William McKinley’s Instruction to the First Philippine Commission of 1900, treated the Moro Nation initially as a Dependent Nation similar to North American Indian Nations under treaty relations with the US Federal Government. Subsequently, the Moro Nation was accorded the political status of a US protectorate under the Kiram-Bates Treaty of 1899, confirming the Treaty of 1878 between Sultan of Sulu and Spain.

Your policy to consider the Philippine archipelago as an unincorporated territory of the United States paved the way for the US Government to administer affairs in the Moro territories under a separate political form of governance under the Moro Province from the rest of the Philippine Islands.

Your project to grant Philippine independence obliged the leaders of the Moro Nation to petition the US Congress to give us an option through a referendum either by remaining as a territory to be administered by the US Government or granted separate independence 50 years from the grant of Philippine independence. Were it not for the outbreak of the Pacific War, the Moro Nation would have been granted trust territory status like any of the Pacific islands states who are now independent or in free association with the United States of America.

On account of such circumstances, the Moro Nation was deprived of their inalienable right to self-determination, without waiving their plebiscitary consent. Prior to the grant of Philippine independence on July 4, 1946, American Congressional leaders foresaw that the inclusion of the Moro Nation within the Philippine Commonwealth would result in serious conflicts in Mindanao, Sulu and Palawan, arising from the inability of the Filipino leaders to govern the Moro people. This condition or states of affairs have continued to prevail to the present day.

In view of the current global developments and regional security concerns in Southeast Asia, it is our desire to accelerate the just and peaceful negotiated political settlement of the Mindanao conflict, particularly the present colonial situation in which the Bangsamoro people find themselves.

We are therefore appealing to the basic principle of American fairness and sense of justice to use your good offices in rectifying the error that continues to negate and derogate the Bangsamoro People’s fundamental right to seek decolonization under the United Nations General Assembly Resolution 1514 (XV) of 1960. For this purpose, we are amenable to inviting and giving you the opportunity to assist in resolving this predicament of the Bangsamoro People.

With assurances of our highest esteem and cordial regards.

Very truly yours,


SALAMAT HASHIM
Chairman

Joey De Leon should stop calling Pokwang a wacwac












JOWEE DE LEON IS A COMPLETE
BITCH!



Imagine me, I merely look like this after my shoot in Paris. It was a sad day, I thought I was in my post-modeling stage. I was fed up with the plastic around me. I cried my heart out, thinking I wouldn't want to see the same people I kept seeing nearly every hour, at everyday, every week, all year round. All my life I wanted a real life. A husband. Kids. But if you're a wacwac or an asuwang, it's not easy. And now this, Jowee De Leon comparing me with someone extracted from the very pits of the seventh Hades. And that Yoyoy, err.. Willi Revillame, keeps plugging it on his program Bowow wow whatever. It's making us wacwac famous. We don't like that. Not at all. Hell, I never wanted any popularity, even as a top paying ramp model. specially because, you know. But this? Being placed in the same rank of a lowly insect? And having to see my relatives' and parents' sobriquet on the telly everyday? Shit Jowee De Leon. I eat lions for breakfast, you ugly little devil rat! And you Yoyoy, err, Willi, just shut up! Some nights, any of you both might just be alone... except for a real wacwac on top of you... how'd you like that dearies?

Tuesday, August 12, 2008

paglalakbay sa mindanao na tahimik

nitong nakaraan, kasalukuyang nagbibilangan sa armm elections sa iba't ibang lugar sa mindanao. sabi ng lahat ng pinakinggan kong usapan, tahimik daw. wala daw gulo maliban sa basilan yata. dahil sa ganun, nawala ang kagustuhan kong mamasyal sa mga lugar ng armm. nagpahangin ako sa davao at nagkape sa cagayan de oro. tapos, pinuntahan ko ang lugar na magulo sa north cotabato. doon ako lumapag sa capitolyo, dis-oras na ng gabi. magulo daw noon sa mindanao. pero sa capitolyo, tahimik maliban sa ilang alingasngas. sa ingay ng mga hayup sa gabi na parang mga awitin sa taynga ko.

tapos may narinig akong mga tao dumating at naguusap-usap. dumungaw ako mula sa aking nilapagan sa bubong ng capitolyo. mukhang matataas na tao yung nakikita ko. puro di bodyguard. bakit sila pupunta sa upisina sa dis-oras ng gabi? ayon sa mga senyales nila sa katawan, upisyal ng north cotabato ang mga tao na ito. nguni't parang may mga senyales akong nakita sa ilang sasakyan na ang may-ari ay taga zamboanga at parang ang isa ay gen san pa! subali't hindi ako nakakasiguro doon sa sasakyan kung tutoong pag-aari nga ng kababayan ni manny pacquiao. ano'ng ginagawa ng taga zamboanga at higit lahat, taga gen san, sa north cotabato? eh... di ko alam. mabuti nang maki-amot na lang ako sa kung anong meron sila sa gabing ito.

bumaba ako sa mga upi-upisina nila sa capitolyo. imbisibol ako. pinagmamasdan ko ang mga taong ito na mukhang di naman gaanong pagod. napansin ko ang mga bote at lata ng pampasigla ng katawan at pampagising ng diwa. parang yung lana ko - ganun din ang bisa.

wala naman silang pinag-uusapan na gulo sa mindanao. subali't ang pinag-uusapan nila ay sila ang gagawa ng gulo dahil walang gulo! aba! naiiba ang ibig mangyari ng mga taong ito! mga lost command daw, bayad na. maggagawa ng pagpapasabog sa mindanao, kahit daw dito sa north cotabato na lugar nila, kunwari may mga bombahan. susmaryopaze! magbuburles sila!

di daw maglalaon, maraming mamamatay. ay talaga! di magtatagal daw, maraming mag-aalsa. bayad na rin daw ang mga taong yun. dalawa ang pangyayarihan ng gulo. sa mindanao, at sa manila. nakupu!

yung isang taong maliit, pakumpas kumpas habang sinasabi: ala naman kaming alitan ni esperon. ako lang nakakaalam diyan. (o para bang ibib niyang ipahiwatig, pabayaan na lang siyang dumiskarte sa away nila ni heneral hermogenes esperon.)

gumawa ako ng ingay na makapansin sa kanila. tumingin ang mga matataas na taong ito sa pinanggalingan ng ingay na gawa ko. kahit nalaman nilang walang kuwenta ang ingay na narinig nila, nakita kong ang laki ng pagkadilat, mulagat na mulagat ang mga mata nila; gumagalaw ang mga daliri ng mga kamay; maputla ang mga labi...

guilty.

puñeta kayo, sabi ko. guilty.

Wednesday, August 6, 2008

kumupal ang puno

This summary is not available. Please click here to view the post.

Tuesday, July 29, 2008

wacwac nag attend sa rali sa SONA

akala siguro ninyo tao lang talaga ang nagpupunta sa mga rali ng mga gusto ituring silang mga kalaban ng gobyerno? aba! nandun din ako. katabi ko po si tserman bayani fernando at si pangulong gma. eto, kinuhanan ko po sila ng letrato, pasensiya na kayo at hindi talaga ang mga wacwac marunong sa modernong gamit. kaya mukhang may mantsa ang mukha nila pareho. sorry po pangulo ha? sorry po tserman bayani, idol ko pa naman kayo pareho. di bale sa susunod, gagandahan ko po ang pag kuha ko ng kodak para medyo mas malinis at makinis ang labas ng mga letrato po ninyong pareho. aba, kung tutuusin, wacwac lang naman ako, ah! kasalanan ko ba kung bakit nagsuot yata kayo ng disguise?

Friday, May 16, 2008

utang na dugo sa rcbc

kaninang hatinggabi, nagpunta ako sa pinangyarihan ng nakawan at masaker sa rcbc, sa cabuyao science park. kinilabutan ako sa paglapit pa lamang sa rcbc.

may mga kaluluwa doon akong nakita. nagnanangis silang lahat. masakit ang mga kalooban nila. tapos may isang gusto akong kausapin, nararamdaman ko lang. hinanap ko kung sino at may biglang lumapit sa akin na kaluluwa.

maliwanag ang buwan nguni't hindi pa ito bilog. nasa kalahati ang pagkabilugan nito. kung hindi ka asuwang, at sanay sa multo, sa mga kaluluwang nagsasalita, parang terrificacious na horror movie itong eksenang susunod.

babaeng multo: saklolooo! saklolo! tulungang... tulungan... niyo po ako miss!

wacwac: ay! oo, ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?

babae: gusto ko po makulong ang boypren ko!

wacwac: opo! opo! anong sinabi ninyo?

babae: ang sabi ko po, tulungan ninyo akong ipakulong ang boypren ko! si sgt. gomolon!

wacwac: ay opo! opo! sgt. gomolon! bakit niyo naman ipapakulong yung sarhento at boypren mo pa naman kamo?

babae: boypren ko siya nang matagal na po. di ko alam na bank robber po siya. pinilit niya ako na ibigay lahat ng nalalaman ko tungkol sa rcbc na ito. ibinigay ko po dahil natakot ako. ang alam ko po, nabuntis niya ako noon pero namatay ang baby namin. nabuntis uli po ako... pero iba ang tatay...

wacwac: opo. opo. opo, tutulong ako sa inyo. tutulong po ako sa inyo.

babae: salamat po! salamat po! olga po ang pangalan ko, tatandaan po ninyo ha? olga gonzales!

wacwac: ay opo, miss olga. olga gonzales! sige po.

umalis na ako dahil mukhang palapit na lahat nung mga kaluluwa baka mamaya kung ano na tuloy ang iniisip nila kung bakit ako nandun at kinakausap si miss olga gonzales.

ilang araw ang ibinigay ko sa sarili ko. nguni't nakikini-kinita ko na ang kalalabasan, huli na ang boypren. naaninag ko na ang pelikula sa isipan ko habang papalipad ako pauwi. huli. huli si sgt. gomolon. damonyong tao yun.

Tuesday, April 1, 2008

Bulok na bigas

kahit wacwac ako at masarap ang pagkain ko, nagalit ako sa nakita ko nang lumilipad lipad ako sa bulacan.

bulok na bigas dahil ayaw patuyuin ng mga trader at mga buying station sa bulacan at ibang lugar sa region 3 ang bigas upang mabigat ang timbang. yan ang ibebenta nila sa palengke? basang bigas? ang mga ninuno ko hindi naman nagsaka, pero marami kaming lupa at may tagapangalaga kami ng aming palayan. lagi akong sumasama sa bukid, enjoy ako doon. pero hindi ko nakita ang basang palay na kikiskisin sa gilingan at basang bigas isasako matapos nito ibebenta sa tao. susmaryopaze!

Wednesday, March 26, 2008

Parang Gusto Kong Si Erap Kainin... (excuse me hihihi! :) )

Nakita ko itong balita. Mukhang nagalit si dating Pangulo Joseph Estrada.

Losing his cool: Estrada's warped sense of justice
March 25, 2008 02:27:00
Philippine Daily Inquirer

DEPOSED President Joseph Estrada lost his cool when a news reporter from the Agence France Presse asked him a fair question: How can he lead the fight against corruption by the Arroyo administration when he himself was convicted of plunder? ("Reporter's question peeves Erap," Inquirer, 3/15/08)

Enraged, Estrada accused the reporter of being a "pakawala" of the administration. Erap fought back, claiming his conviction by the court was already written off by public surveys which showed he was more popular than Gloria Macapagal-Arroyo.

If popularity is the basis for public acceptance, did Erap stop to wonder how GMA, who holds the record for being the most unpopular and least trusted president, continues in office?

Erap has rewritten the judicial processes. By Erap's moral standards, conviction of a criminal by a court of law can be offset by popularity. By his standards, it is popularity surveys that determine the innocence or guilt of a suspected criminal and not the court of law.

In Erap's warped sense of justice, therefore, the popularity of "hero" Jun Lozada extinguishes the illegal activities he allegedly committed in the Philippine Forest Corp. when he was its president. Just as well, the popularity of Osama Bin Laden in the Middle East nullifies the criminal activities attributed to him in America.

Only the demented or mentally challenged would put up with this hypocritical moronic reasoning. And to think Erap is the spiritual leader of the opposition.

Small wonder the opposition cannot gather enough support from the people despite the huge unpopularity of GMA. If not for them, it would have been very easy to bring down a very unpopular president who leads a conceivably corrupt administration. --CESAR M. DE LOS REYES, via e-mail

[ Copyright 2008 INQUIRER.net and content partners. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed. ]

Daldal ng daldal kasi itong dating pangulo laban daw sa corruption sa gobyerno, eh siya naman itong nangunguna sa pangko-corrupt. Noong panahon niya sa Malacañang madalas akong lumipad lipad doon. Lampas na ng hatinggabi, may kainuman pa si Pangulo Erap! Sumaryopaze!!! Tapos, sa labas, may darating maraming kotse, laman puro mga maliliit na intsik pero malalaki ang dalang bagahe. Lalapit ako at di magpapakita. (Imbisibol ako kung ayaw kong makita.) Aamuyin ko ang mga bagahe ng intsik, susmaryopaze! amoy pera! Tapos sasamahan ko ang mga intsik - parang tanga ang mga guwardiya, antok na antok na biglang magigising ang mag te-tenk yu pu! tenk yu pu! Yun pala inabutan ng bandel ng salapi ng mga intsik at tuloy tuloy sila sa itaas ng Malacañang. Kitang kita ng dalawang mga imbisibol kong mga mata kung paano pipirmahan ni Pangulo Erap ang mga papel na dala dala ng mga intsik. At aabutin ni Pangulo ang mga maleta at inspek, inspek sa bawa't isa. Tama ako! Puro pera nga ang laman!

Susmaryopaze! Ano kaya ang tinda ni Pangulo Erap noong panahon na iyon at panay panay ang bili ng mga intsik sa kanya, mahal pa!

Minsan naman, napadpad ako sa kakalipad ko dun sa kinalalagyan ng isang puting barko na may pangalan RPS ANG PANGULO. Ganun pa rin sa dati. Tindero pa rin si Kumpareng Erap. Tanggap pa rin ng tanggap ng bayad ng bayad na mga intsik. Mabili ang tinda tsk, tsk! Sana may tindahan akong ganun! Araw araw, laki ng benta!!! At lampas ng hatinggabi ang bentahan! Wow!!!

Mas mayor and intsik na ganito ang gawain kay Kumpareng Erap sa loob ng tatlong taong palipad lipad ako sa bahay ni Erap, sa RPS ANG PANGULO at Malacañan. Kung may Pilipino akong nakita doon, mga Lopez lang ang tanging namukhaan ko at may-ari ng mga establisemento sa Cubao. Wala akong nakitang mahirap doon kundi isa lang, ang apo ni Sultan Jamalul Kiram, si Rodin. Isang beses, nagsuntukan pa kamo sila Kumpareng Erap at ang nasirang idol ko, FPJ dahil pilit na pinaiinom pa ng marami ni Kumpare Erap natin si Datu Rodin ng alak eh alam naman niyang bawal ang alak sa mga Moros di ba?

Nung sinabi ni FPJ, gago ka pala pare! Nagalit si Erap! Naku, isang pangulo ng Pilipinas at isang Hari ng Pelikulang Pilipino nag umbagan, walang maka-awat! Itong puyat na puyat ng Cabinet Secretary na mukhang bakla, nagsisigaw! Nagising yata ang iba pang tauhan ni Erap at tinawagan si Doctora Loy. Tanging si Doctora lang ang nakaawat sa dalawa, pero pasang pasa mukha ng aking idol, FPJ! Hindi naman siya pahuhuli, putok ang labi at mata ni pangulo! Susmaryopaze!

Tuloy, sa diyariyo, sabi nagpa duktor daw si pangulo Erap...

Ito hindi tsismis: si Kumpareng Erap at mga bisita niya, may hindi pa magandang gawain sa palasyo, mula sa upisina, sa Arlegui, at sa barko niya. Palagi silang mga bastos, sex ng sex, sex ng sex, orgy ng orgy. Masyado! Talagang mga ma-El ang mga tao na ito! Si nasirang FPJ mukhang atras pag may orgy, bakit kaya? Laging nagpapaalam, uuwi. Nakakahiyang magtanong, kasi imbisibol ako.

Pero buti na lang natuto ang mag bluggh. Sa wakas naihihinga ko na ang saloobin ko! Pero parang gusto kong tadtarin si Kumpare natin at iluto... ay! excuse me. Kumakain ka ba?

Saturday, February 16, 2008

Wacwac Jetsetter

wala na ako mahihingi pa sa wacwac kong buhay! ahaaay!

ilang buwan pa mula ngayon, magbabago na ang lahat sa akin. baka titigil na rin muna ako palipad-lipad, o pagtatakbo na parang .... uy, secret! papahid pahid ng lana (special na langis, hindi diesel, pero may pagkakahalintulad).

sa pagkakataon na iyon, ang mga gagawin kong post ay doon ko pa gagawin sa ibang bansa, ibang planeta, ibang galaxy, ibang constellation. astiiiig!!! :)

mayamang wacwac na ako. wag niyo na lang itanong kung saan kinuha ng lolo asuwang, lola asuwang at mga tatay, nanay at classmate nila sa .... uhurrmm, secret uli... ang mga gold bullion namin sa banko na sa wakas ay pinaabot na sa kin ng aming abogadong asuwang din.

Saturday, February 2, 2008

ang kupal na puno

ang isang hindi ko talaga maintindihan. isang beses mga kulang kulang isang linggo na ang nakakalipas nag anyong tao ako at bihis na bihis napadpad ang mga paa ko sa makati.

sa kalalakad ko, parang lumamig ang sikmura ko at naghanap ako ng kape. nasa kanto ako ng ayala at bumabaybay sa makati avenue naglalakad sa madilim na kalsadang iyon papunta sa buendia ave. kaya umakyat muna ako sa manila peninsula. pagkatapos kong magkape, nakita ko maraming mga naka amerkana at barong na mamahalin, tulad ng sa tatay ko at lolo na sa glorietta sa may ayala pa pinapayari.

sumunod ako. pumapasok sila sa isang malaking bulwagan sa itaas ng lobby. pumunta ako sa palikuran, nagdasal at nagpahid ng kaunting lana (langis). imbisibol na naman ako.

sa malaking bulwagan, marami silang bantay sa pinto pero sumiksik ako papasok. nahalata ako ng isang gurl. pero wala naman siyang nakita. tuloy-tuloy lang ako. si supreme court chief justice reynato pala ang pinaka malaking tao nila sa loob ng bulwagan. panay mga diyaristang kilala ang nakita ko.

ang mga sinasabi ni tsif hukom ay ang tungkol sa mga patayan ng mga diyarista at mga brodkaster sa diyariyo. sabi ni tsif hukom, si gloria mukhang may kagagawan nitong mga ito. parang ganun.

parang nagkakamali si tsif hukom. sa haba ng palipad lipad ko, marami na akong nakitang mga hindi maganda sa ating bayan. nariyan ang mga mag-asawang ilang kilometro lang ang pagitan parehong nangangaliwa. may mga kabataan, mura pa ang isip, nahuhumaling sa masama. naglalaro ng baril, nagdo-droga, nang ho hold-up, bata pa pumapatay para magnakaw lang ng kakarampot na salapi! susmaryopaze!

tapos itong mga diyarista naman nating kapatid. lagi ko silang namamataan kasama ng mga masasamang loob. kapag naghihiwalay sila, makikita mong parang may hinihintay ang mga kapatid nating diyarista, o komentarista sa radyo o tv. pag lumapit ka, makikita mo pera ang inaantay.

at ang usapan: "o pare / mare, bahala ka na sa bad publicity ng huweteng ko ha?" o kaya, publicity ng sindikatong kriminal. marami ito sa prubinsya. hindi ko matiyempuhan sa manila. ang daming mga gusali dito, wala kang matanaw sa malayo, bato ang tatamaan ng mata mo.

sa prubinsiya, yung telescopic kong mata ay maraming napupuna.

itong mga diyarista, radyista at telebisyonista nating kapatid, kasapakat ng mga kriminal. nguni't maririnig mo kung tumigil ka sa isang lugar para mag touring sa umaga (nakakapagod ang maging asuwang na laging sa gabi ka na lang gumagala), ang tsismisan lagi sa mga tambayan ng mga matatalino at tsismoso's tsismosa ng bayan ay ang kung sino na naman ang tinira sa radyo, diyariyo at telebisyon ng kung sinong taga medya.

aba'y di ba tumatanggap sila? baka nagpapataas ng presyo? diyaske!

tapos mamaya maya may maririnig ka na lang, pinatay si ganito at ganun. eh, kaninong kasalanan ba kundi sa ganid na mga tao na tumatanggap na nga, gagawa pa ng milagro?

minsan naman, may mga hindi pinapansin ng mga bagong salta na sindikato sa huweteng, or kriminal na gawain. droga halimbawa. yung mga kapatid natin sa medya, tira hambalos tadyak at sipa sa diyariyo, radyo at tv. para mapansin. ang tawag ng mga pulis doon at oplan pakilala. ang problema kung ayaw silang makilala at manggulo!

marami rin ang mga meyor at gobernador na pumapatay. pag nilalampaso sila ng mga kapatid nating medya sa katiwalian nila. siguro mahinang magbigay. o kaya, yun namang kapatid sa medya, nahihiyang tumanggap pa. banat muna. o kaya may nag pinansiya sa kapatid nating medya na banatan ang kalaban nila sa pulitika.

susmaryopaze! ang dami ko nang nakitang patayan, hindi ko ibig maging bahagi ng witness protection program natin. naku susmaryopaze! tama na ang paging wacwac ko, tahimik lang ang buhay ko. ilang daan... este dekadang taon na rin akong walang sakunang pampersonal na nakakasalubong. ayaw kong maghanap ng gulo.

pero si tsif hukom, mukhang maalam naman ang mukha niya. bakit ang sambit niya ay wala siyang nalalaman sa nangyayari sa mga lugar na nililiparan ko?

hay naku! gusto kong kurutin ito sa singit na matandang ito. hindi ko alam kung nag dudunong dunungan lamang ito at naging tsif hukom o talagang may sadyang masama at maitim na balak.

dapat itigil na itong masamang gawain na ito ng ating tsif hukom. parang ginagalit niya ako ah. susmaryopaze! at itong mga kapatid natin sa medya, dapat tigilan na nila ang tanggap ng maruming pera. maghanap buhay na lang sila ng marangal. yang mga amo naman nila sa negosyo ng pamamahayag, dapat naman taasan na ang sahod ng mga manggagawa sa medya. upang hindi na maging kurakot ang mga medya kahit kailan pa man!


Tuesday, January 22, 2008

cahit wacwac aco

kahit pa wacwac, wakwak, asuwang, aswang ako naniniwala rin naman ako sa maykapal tulad din ninyo. ano'ng akala niyo sa akin? basahin ninyo ito, nagustuhan ko talaga ito: http://zeyqullsnest.blogspot.com/2008/01/devotion.html

Saturday, January 19, 2008

sa lahat ng wacwac, asuwang, mangcuculam, manananggal et al

kung ikaw ay isang wacwac, asuwang, mangkukulam, kahit pa manananggal o anupaman, kung ikaw ay nalulungkot dahil akala mo ikaw ay nag-iisa, naiiwanan na ng mundo, wag ka nang mag patumpik tumpik pa!

gumawa ka na rin ng bluggh! hane?

Friday, January 18, 2008

ito ang aking bluggh

Wacwack po ako, ito ang aking bluggh.

Sa tagalog po ang mababasa ninyong blugghing ko subali't minsan ay naalaala ko pang gamitin ang pranses, ingles, iresyano, russo, intsik, hapon, italiano at iba pang mga salita sa aking mga pakikisalamuha at paglalakbay kung nasa kalaliman na ng gabi, na sa akin pong kabiglaanan ay umaga pala sa ibang bayan! Ahaaaay! Mabulag bulag po ako sa icelandiya, greenlandiya, kahit sa russiya at iba pang lugar na may umagang mahaba at di-tulad ng umaga sa aking lupang tinubuan.

Ibig ko lang, makilala ninyo ako bilang ako. Mabait, tahimik, walang ginagambala, ni minsan hindi naging maligalig at nang-iiskandalo sa mga tenga niyo, sa puso niyo at kaluluwa.

Nabubuhay po ako na masaya bilang isang wacwack.

Hindo po tutoo na kumakain ako ng atay ng tao. Lalong hindi po ako kumakain ng puso ng tao. Baka ibang wacwack iyon.

Ang kapangayarihan ko po ay tungkol lamang sa mga pakikipagkaibigan. Pakikipag kapuwa wacwack (kung nararapat lamanag sa panlasa ko) at kapuwa tao (kung akma sa panlasa ko!)

Gumagamit po ako ng mga dasal. Sa pamamagitan nito'y, nararating ko din po ang hindi napupuntahan ng karaniwang mga nilalang, nguni't nakikita naman ng mga kuting, tuta at matured na pusa at aso.

Ito ang lugar na kung saan ang mga nakatira ay hindi nasa katawang tao kundi anyong cellophane or plastik ang mga katawan o bahagi nito. Parang transparent na mga tao, kahit ang mga hayop at iba pang bagay ay halos maaninag mo na ang nasa kabila nila. Marami po itong ganitong mga lugar. Mayroon pong nasa dagat, nasa lupa, sa ika-n na basement din po ng ating lupa mayroon, sa mga ilog, sa kabundukan - doon po ay napakarami talaga ng kakaibang bayan o lugar na di-pangkaraniwan.

Sana ay maibigan ninyo po akong dalawin sa aking bluggh na ito. Napakarami kong mapupulot sa inyo na mga tao. Maaari din pong may hindi sinasadya kayong matutunan sa akin dahil ang aking mundo po ay kakaiba sa karamihan sa atin.