Saturday, February 2, 2008

ang kupal na puno

ang isang hindi ko talaga maintindihan. isang beses mga kulang kulang isang linggo na ang nakakalipas nag anyong tao ako at bihis na bihis napadpad ang mga paa ko sa makati.

sa kalalakad ko, parang lumamig ang sikmura ko at naghanap ako ng kape. nasa kanto ako ng ayala at bumabaybay sa makati avenue naglalakad sa madilim na kalsadang iyon papunta sa buendia ave. kaya umakyat muna ako sa manila peninsula. pagkatapos kong magkape, nakita ko maraming mga naka amerkana at barong na mamahalin, tulad ng sa tatay ko at lolo na sa glorietta sa may ayala pa pinapayari.

sumunod ako. pumapasok sila sa isang malaking bulwagan sa itaas ng lobby. pumunta ako sa palikuran, nagdasal at nagpahid ng kaunting lana (langis). imbisibol na naman ako.

sa malaking bulwagan, marami silang bantay sa pinto pero sumiksik ako papasok. nahalata ako ng isang gurl. pero wala naman siyang nakita. tuloy-tuloy lang ako. si supreme court chief justice reynato pala ang pinaka malaking tao nila sa loob ng bulwagan. panay mga diyaristang kilala ang nakita ko.

ang mga sinasabi ni tsif hukom ay ang tungkol sa mga patayan ng mga diyarista at mga brodkaster sa diyariyo. sabi ni tsif hukom, si gloria mukhang may kagagawan nitong mga ito. parang ganun.

parang nagkakamali si tsif hukom. sa haba ng palipad lipad ko, marami na akong nakitang mga hindi maganda sa ating bayan. nariyan ang mga mag-asawang ilang kilometro lang ang pagitan parehong nangangaliwa. may mga kabataan, mura pa ang isip, nahuhumaling sa masama. naglalaro ng baril, nagdo-droga, nang ho hold-up, bata pa pumapatay para magnakaw lang ng kakarampot na salapi! susmaryopaze!

tapos itong mga diyarista naman nating kapatid. lagi ko silang namamataan kasama ng mga masasamang loob. kapag naghihiwalay sila, makikita mong parang may hinihintay ang mga kapatid nating diyarista, o komentarista sa radyo o tv. pag lumapit ka, makikita mo pera ang inaantay.

at ang usapan: "o pare / mare, bahala ka na sa bad publicity ng huweteng ko ha?" o kaya, publicity ng sindikatong kriminal. marami ito sa prubinsya. hindi ko matiyempuhan sa manila. ang daming mga gusali dito, wala kang matanaw sa malayo, bato ang tatamaan ng mata mo.

sa prubinsiya, yung telescopic kong mata ay maraming napupuna.

itong mga diyarista, radyista at telebisyonista nating kapatid, kasapakat ng mga kriminal. nguni't maririnig mo kung tumigil ka sa isang lugar para mag touring sa umaga (nakakapagod ang maging asuwang na laging sa gabi ka na lang gumagala), ang tsismisan lagi sa mga tambayan ng mga matatalino at tsismoso's tsismosa ng bayan ay ang kung sino na naman ang tinira sa radyo, diyariyo at telebisyon ng kung sinong taga medya.

aba'y di ba tumatanggap sila? baka nagpapataas ng presyo? diyaske!

tapos mamaya maya may maririnig ka na lang, pinatay si ganito at ganun. eh, kaninong kasalanan ba kundi sa ganid na mga tao na tumatanggap na nga, gagawa pa ng milagro?

minsan naman, may mga hindi pinapansin ng mga bagong salta na sindikato sa huweteng, or kriminal na gawain. droga halimbawa. yung mga kapatid natin sa medya, tira hambalos tadyak at sipa sa diyariyo, radyo at tv. para mapansin. ang tawag ng mga pulis doon at oplan pakilala. ang problema kung ayaw silang makilala at manggulo!

marami rin ang mga meyor at gobernador na pumapatay. pag nilalampaso sila ng mga kapatid nating medya sa katiwalian nila. siguro mahinang magbigay. o kaya, yun namang kapatid sa medya, nahihiyang tumanggap pa. banat muna. o kaya may nag pinansiya sa kapatid nating medya na banatan ang kalaban nila sa pulitika.

susmaryopaze! ang dami ko nang nakitang patayan, hindi ko ibig maging bahagi ng witness protection program natin. naku susmaryopaze! tama na ang paging wacwac ko, tahimik lang ang buhay ko. ilang daan... este dekadang taon na rin akong walang sakunang pampersonal na nakakasalubong. ayaw kong maghanap ng gulo.

pero si tsif hukom, mukhang maalam naman ang mukha niya. bakit ang sambit niya ay wala siyang nalalaman sa nangyayari sa mga lugar na nililiparan ko?

hay naku! gusto kong kurutin ito sa singit na matandang ito. hindi ko alam kung nag dudunong dunungan lamang ito at naging tsif hukom o talagang may sadyang masama at maitim na balak.

dapat itigil na itong masamang gawain na ito ng ating tsif hukom. parang ginagalit niya ako ah. susmaryopaze! at itong mga kapatid natin sa medya, dapat tigilan na nila ang tanggap ng maruming pera. maghanap buhay na lang sila ng marangal. yang mga amo naman nila sa negosyo ng pamamahayag, dapat naman taasan na ang sahod ng mga manggagawa sa medya. upang hindi na maging kurakot ang mga medya kahit kailan pa man!


No comments: