Friday, May 16, 2008

utang na dugo sa rcbc

kaninang hatinggabi, nagpunta ako sa pinangyarihan ng nakawan at masaker sa rcbc, sa cabuyao science park. kinilabutan ako sa paglapit pa lamang sa rcbc.

may mga kaluluwa doon akong nakita. nagnanangis silang lahat. masakit ang mga kalooban nila. tapos may isang gusto akong kausapin, nararamdaman ko lang. hinanap ko kung sino at may biglang lumapit sa akin na kaluluwa.

maliwanag ang buwan nguni't hindi pa ito bilog. nasa kalahati ang pagkabilugan nito. kung hindi ka asuwang, at sanay sa multo, sa mga kaluluwang nagsasalita, parang terrificacious na horror movie itong eksenang susunod.

babaeng multo: saklolooo! saklolo! tulungang... tulungan... niyo po ako miss!

wacwac: ay! oo, ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?

babae: gusto ko po makulong ang boypren ko!

wacwac: opo! opo! anong sinabi ninyo?

babae: ang sabi ko po, tulungan ninyo akong ipakulong ang boypren ko! si sgt. gomolon!

wacwac: ay opo! opo! sgt. gomolon! bakit niyo naman ipapakulong yung sarhento at boypren mo pa naman kamo?

babae: boypren ko siya nang matagal na po. di ko alam na bank robber po siya. pinilit niya ako na ibigay lahat ng nalalaman ko tungkol sa rcbc na ito. ibinigay ko po dahil natakot ako. ang alam ko po, nabuntis niya ako noon pero namatay ang baby namin. nabuntis uli po ako... pero iba ang tatay...

wacwac: opo. opo. opo, tutulong ako sa inyo. tutulong po ako sa inyo.

babae: salamat po! salamat po! olga po ang pangalan ko, tatandaan po ninyo ha? olga gonzales!

wacwac: ay opo, miss olga. olga gonzales! sige po.

umalis na ako dahil mukhang palapit na lahat nung mga kaluluwa baka mamaya kung ano na tuloy ang iniisip nila kung bakit ako nandun at kinakausap si miss olga gonzales.

ilang araw ang ibinigay ko sa sarili ko. nguni't nakikini-kinita ko na ang kalalabasan, huli na ang boypren. naaninag ko na ang pelikula sa isipan ko habang papalipad ako pauwi. huli. huli si sgt. gomolon. damonyong tao yun.